Isang bansa, isang tinig, isang sigaw.
Sa kabi-kabilang tagumpay ng mga Pilipino na nasaksihan ng buong mundo, isang awitin ang iniaalay ng ABS-CBN bilang pagpupugay sa galing ng Pinoy.
Pinamagatang “Galing Natin Ito!” at kinanta ng 29 OPM artists, ibinibida sa kanta ang puso, isip, at lakas ng Pilipino anuman ang kanilang haraping hamon at pagsubok sa buhay.
Napanood ang recording music video ng “Galing Natin Ito!” sa laban ni Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman na eksklusibong napanood sa mga platform ng ABS-CBN, kabilang ang Channel 2, SKY Sports PPV, S+A, at iWant.
Tampok sa awitin ang mga tinig nina Angeline Quinto, Bamboo, Billy Crawford, Daniel Padilla, Darren Espanto, Erik Santos, Gary Valenciano, Iñigo Pascual, Jason Dy, Jed Madela, Kyla, KZ Tandingan, Martin Nievera, Moira Dela Torre, Morissette Amon, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Shanti Dope, Toni Gonzaga, TNT Boys Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Keifer Sanchez, Yeng Constantino, at Zsa Zsa Padilla.
Layunin ng awitin na magkaisa ang mga Pilipino sa pagpapakita ng suporta sa kapwa Pilipino, na gumagawa ng pangalan at itinataas ang bandera ng Pilipinas sa kani-kanilang larangan at propesyon. Kabilang diyan ang mga atleta gaya ni Pacquiao na patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa boksing, ang mga beauty queen tulad nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na tinanghal na Miss Universe dahil sa kanilang ganda, talino, at adbokasiya, at ang libu-libo pang mga Pilipino na gumagawa ng marka sa mundo.
Ang “Galing Natin Ito!” ang opisyal kanta ng National Cheer Campaign na inilulunsad ng ABS-CBN upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga Pilipino at bigyang inspirasyon ang sambayanan na magkaisa upang mailabas ang galing at potensyal ng bawat isa.
Maaaring kantahin ang “Galing Natin Ito!” bilang pambansang cheer sa mga kompetisyon sa iba-ibang larangan tulad na lang ng ginagawa sa mga laban sa basketball, volleyball, boxing, at football, para bigyan ng karagdagang lakas ng loob ang ating mga kababayan at upang ipaalam din sa mundo ang galing ng Pilipino.
Ilalabas din sa mga susunod na araw ang buong music video kung saan mas mapapanood pa ang cheerleading at hatawan mula sa JRU Pep Squad, Mapua Cheerping Cardinals, Arellano Cheif Squad,
UPHSD Altas Perpsquad, at
UST Salinggawi Dance Troupe, pati mga dance crew na Precom, Aces PH, at Prime, na magsasama-sama sa unang pagkakataon.
Gawa nina Jerome Clavio, Jan Dormyl Espinosa, at Tiny Corpuz ng ABS-CBN Creative Communications Management ang mga salita sa kanta kasama sina Gloc-9 at Shanti Dope, habang ang musika ay lika ni Thyro Alfaro. Nasa likod ng music videos ang mga direktor na sina Paolo Ramos, Peewee Gonzales, at Lorenz Morales, ang kanilang creative directors na sina Elirose Borja at Patrick de Leon, mga producer na sina DJ San Jose, Jerome Clavio, at Lara Allardo, at choreographer na si Ruf Rosario.
Watch the “Galing Natin Ito!” recording music video on the official account of ABS-CBN on Facebook and ABS-CBN Entertainment on YouTube. For updates, follow @ABSCBNPR on Facebook, Instagram, and Twitter or visit abs-cbn.com/newsroom.
Subscribe to the ABS-CBN Entertainment channel!
http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment
Visit our official website!
http://entertainment.abs-cbn.com
http://www.push.com.ph
Facebook: http://www.facebook.com/ABSCBNnetwork
Twitter:
https://twitter.com/ABSCBN
https://twitter.com/abscbndotcom
Instagram: http://instagram.com/abscbnonline
#ABSCBNEntertainment
#MannyPacquiao
#NationalCheer

- Category
- Best Country
Commenting disabled.